Home>News>Nation>Lalaki kinatay ng ‘ginahasa’

Lalaki kinatay ng ‘ginahasa’

SINAMANTALA ng isang 32-anyos na yaya na patayin sa saksak ang lalaking katulong na umano’y gumahasa kanya sa Sta. Elena Village, Bgy. Malitlit, Sta. Rosa,Laguna, noong araw ng Pasko.

Base sa ulat ni PLt. Col. Vicente Amante, hepe ng Sta Rosa police, nakilala ang yaya na si Michelle Clamor Andaya, may asawa, tubong Negros Occidental, at pansamantalang naninirahan sa Bgy. Banlic, Cabuyao, City.

Samantala, nakilala naman ang pinaslang na lalaki na si Elgine Modoc Agsaway, 35, binata, at tubong Agusan del Norte.

Dakong 9:30 a.m. naganap umano ang naturang insidente.

Sinasabing magkasama sa loob ng bahay ng kanilang pinaglilingkurang amo bilang mga househelper ang yaya at ang pinaslang na lalaki.

Base sa isinagawang pahayag ng yaya sa pulisya, sinamantala umano ni Agsaway na wala sa bahay ang kanilang amo

Puwersahan umanomg pumasok ang biktima sa kuwarto ng yaya.

Sinabihan umano ni Agsaway ang yaya na magtalik sila bago nito pinagsamantalahan ang nasabing babae.

Matapos ang umano’y panggagahasa ay nakatulog si Agsaway sa loob ng kuwarto. Itinali umano ang kanyang leeg ni Andaya at pinagsasaksak sa leeg, mukha at dibdib.

Nagtamo ng mahigit na sampung tama ng saksak sa kanyang leeg, mukha at dibdib si Agsaway ng madatnan ng nagresponding miyembro ng Sta. Rosa City PNP sa lugar kasunod ang isinagawang pag-aresto ng mga ito sa yaya na kusang loob na sumuko at umamin sa naganap na krimen.

Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente ang ginamit na kutsilyo.

Si Andaya ay nakapiit sa Sta. Rosa City PNP Lock Up Cell at nahaharap sa kasong murder.

Publication Source :    People's Tonight