Home>News>Nation>Lalaki nagnakaw ng saging, kulong

Lalaki nagnakaw ng saging, kulong

NADAKIP ng pulisya ang isang lalaki matapos umanong nakawin ang apat na kilo ng saging na saba na paninda ng kaniyang kapitbahay sa Bgy. Apolonio, Quezon City, nitong Huwebes ng umaga.

Sa inisyal na report ni PSSg. Jefferson Li Sadang, ng Quezon City Police District (QCPD) La Loma Police Station 1, bandang 11:30 a.m. (January 21), nang maganap ang insidente sa harapan ng No. 41 Antonette Sts, Parkway Village, Bgy. Apolonio Samson, Quezon City.

Sa reklamo ng biktimang si Everlito Bumatay, abala umano siya sa pag-istima sa ibang mamimili nang maispatan umano niya ang hindi pinangalanang suspek na pasimpleng isinilid sa dalang kahon ang apat na kilong saba na nagkakahalaga ng P340 at mabilis na tumakas.

Dahil dito ay hinabol ni Bumatay ang papatakas na suspek at nang maabutan niya ay agad niyang dinala sa kanilang barangay saka itinurn over sa himpilan ng pulisya.

Matapos na mabawi sa suspek ang apat na kilong saba na kaniyang ninakaw ay ikunlong na ito sa La Loma Police Station at inihahanda na ang kasong theft na isasampa laban sa kaniya.

Publication Source :    People's Tonight