Home>News>Nation>Lalaki naki-angkas, naputulan ng binti!

Lalaki naki-angkas, naputulan ng binti!

NAPUTOL ang kanang binti ng isang lalaki matapos salpukin ng kotse ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Novaliches, Quezon City, Huwebes ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat ng Traffic Sector ng Quezon City Police District (QCPD), naki-angkas lang umano ang naputulan ng binti na si Joel Naderata sa kaniyang kasamahan sa trabaho na si Ricky Castil.

Pasado 2 a.m. (February 11), pauwi na umano ang mga biktima sakay ng motorsiklo pero pagsapit nila Quirino Highway ay mag nag-cut sa kanilang sasakyan dahilan upang mawalan ng kontrol ang rider at dire-diretsong sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa center island sa lugar.

May nag-swerve na kotse at na-cut kami kay bumangga ang motor ko sa sa center island,” pahayag ni Ricky na nagtamo naman ng mga sugat at pasa sa katawan.

Agad naman dinala sa malapit na ospital ang mga biktima.

Publication Source :    People's Tonight