Home>News>Nation>Lalaki sinemento sa drum tinapon sa sapa

Lalaki sinemento sa drum tinapon sa sapa

Drum
Ang natagpuang drum na naglalaman ng bangkay ng lalaki. Kuha ni GIL AMAN

NATAGPUAN ang isang bangkay na lalaki na isinilid sa asul na plastic drum at sinementuhan bago itinapon sa sapa creek Huwebes ng hapon sa Bgy. San Miguel, Mabitac, Laguna.

Sa report ng pulisya, dakong alas 12:00 ng tanghali kahapon ng madiskubre ni Guillermo Obod, 61, caretaker, ng Bgy. Halayhahin, ang plastic drum sa lugar sa dahil umalingasaw na masangsang na amoy.

Ang insidente ay agad ipinaalam ni Obod sa kinauukulan.

Nakita ng mgs otoridad ang bangkay ng lalaki sa loob mismo ng drum.

Samantala, ipinaabot sa pulisya ang insidente kasunod ng mabilisang pagresponde ng mga miyembro ng Scene of Crime Operatives (SOCO).

Ang drum na may lamang bangkay ay nadiskubre na may mahigit na 15 metro ang lalim at sakop ng Manila East Road.

Ang bangkay ay nakasuot ng pulang t-shirt na may tatak na numerong “17”, itim na pantalon at itim na bota.

Tinatayang nasa edad na 30 pataas, mataba, may taas na 5’10, fair complexioned ang biktima. Nagtamo ito ng tama ng bala sa kanyang bibig, dibdib at sikmura. Ang kanyang mga kamay ay nakatali ng itim na t-shirt.

Kasalukuyang nasa Majar Funeral Parlor sa bayan ng Famy ang bangkay ng biktima kung saan nakatakdang sumailalim sa isasagawang pag-awtopsiya ng mga kagawad ng SOCO.

Patuloy na nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya para sa agarang ikalulutas ng nasabing kaso.

Publication Source :    People's Tonight