Lawyers for Commuters Safety and Protection: Policy sa transport industry dapat amyendahan

June 05, 2019

HINILING kahapon ng commuter group sa mga lawmaker na dapat ng amyendahan ang mga policy sa transport industry.

Ito ang mariing inihayag ni Lawyer Ariel Inton Jr., founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) upang matugunan ang transport related concerns na kinakaharap ng bansa lalo na sa Metro Manila.

Sa interview sinabi ni Inton na outdated na sa panahon natin ngayon ang karamihan sa mga policy na ipinatutupad ng Regulatory Board na kailangan na talagang baguhin o amendahan upang masagot ang mga problema sa transport at makinabang ang mga commuter.

Ayon kay Inton, dahil sa mga outdated traffic policy patuloy na napipirwisyo ang mga commuter sa araw- araw na pagsakay sa mga public transportation tulad ng mga jeepney, taxi, bus, UV Express at van at maging sa mga transportations network vehicle service o (TNVS).

Tuwirang tinukoy ni Inton ang mga concern sa mga provincial bus, kung aalisin sa EDSA at maging ang isyu ng Point to Point policy sa mga UV Express at van.

Ayon kay Inton dapat agad mabigyan ng sagot ang mga bagay na ito dahil libu-libong mga commuter ang apektado nito sa araw- araw.

Umaasa ang LCSP na agad itong tutugunan ng gobyerno para sa kapakinabangan ng publiko.