Home>News>Nation>LCSP: ‘Drive to Own’ come on imbestigahan

LCSP: ‘Drive to Own’ come on imbestigahan

NANAWAGAN ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa Department of Transporation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (DOTr-LTFRB) na magsagawa agad ng investigation laban sa isang Transportation Network Company (TNC) na may come on na”Drive to Own” at “Kill Switch” program para pang-akit sa mga providers.

Ayon kay LCSP founder Atty. Ariel Inton, inulan sila ng reklamo ng mga Transportation Network Vehicle Services (TNVS) dahil sa scheme ng nasabing TNC.

Ayon sa mga sumbong, ganito ang sistema ng TNC: sa halagang P20,000 ay lalakarin nila na magkaroon ka ng kotse, sila ang maglalakad ng provisional authority (PA) at prangkisa para maging TNVS ka at may technology na tinatawag nilang “kill switch” kung saan ay maaari nilang ma-disable ang sasakyan at hindi umandar ang makina.

Ayon kay Inton kakaibang scheme ito kaya naitanong nito,” Ligal ba ito?, Alam ba ito ng mga awtoridad, lalo na ang DOTr at LTFRB?”

Proteksyon daw ito ng mga drivers at may ari ng sasakyan laban sa mga carnappers dahil hindi nila mapapaandar ang sasakyan. Dahil sa ganda ng offer at pahirapan maka-apply ng prangkisa bilang TNVS, marami ang pumatol sa nasabing come on.

Ayon sa mga pumayag sa offer ay madali nga silang nagkaroon ng sasakyan pero hindi naman agad nakakuha ng provisional authority o franchise ang TNC. Ang sabi ng mga tauhan ng TNC ay basta nasa platform sila ay maaari na silang mamasada at “bahala na sila sa huli”.

Lumalabas kasing colorum ang mga ito dahil walang PA o prangkisa. Pero dahil may monthly na babayaran na ang mga may ari ng sasakyan ay napipilitan sila na mangolorum. Pero dahil hindi naman kalakasan ang pasada ng TNC ngayon ay hindi nakakabayad ng monthly payment ang kumuha ng sasakyan.

Eto na ang problema – maaari na i-disable o patayin ng ‘Kill Switch Program’ ng TNC ang makina ng sasakyan. Ibig sabihin ay hindi na ito aandar. At nangyari nga ito sa maraming providers na hindi makabayad ng monthly payment. Ibig sabihin hindi sa carnapping invented ang ‘Kill Switch’ ng mga sasakyan kundi para kung hindi makabayad ang kumuha ng sasakyan ay madali sila ma-disable.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight