Home>News>Nation>LCSP: Implementation ng PMVIC suspendihin

LCSP: Implementation ng PMVIC suspendihin

MULING nanawagan ang isang commuter at transport group sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) na suspendihin ang full implementation ng Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC).

Hiniling din sa Senate at House of Representatives ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), na magsagawa ng malalimang investigation sa pagpapatupad ng PMVIC dahil na sa problema at hirap na naranasan ng mga motorists habang nagpapainspection.

Ang pawagan ay ginawa ni Inton, sa dami at araw araw na reklamong tinatanggap ng LCSP sa hirap at mahal ng bayad sa inspection at re-inspection.

P1,800 sa car, P600 sa motorcycle kapag hindi pumasa re-inspection another P900 sa car at P300 sa motorcycle uli,” saad ni Inton.

Ayon kay Inton, tinukoy sa reklamong ipinadala ng mga motorists ang hindi pa handang connectivity ng PMVIC sa mga district offices ng LTO. Dahil dito, aniya, kahit nagawa ang inspection sa PMVIC, ayaw tanggapin ang resulta dahil wala ito sa computer system ng LTO district offices, kung kaya’t balik sa emission ang resulta kung saan doble gastos at panahon at pagod.

Dagdag ni Inton na nananawagan ang mga motorista kay President Rodrigo Duterte na ipatigil ang operations ng PMVIC dahil bukod sa mahal na, wala rin inter-connectivity ang nasabing programa sa LTO.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight