LTO hiniling hulihin driving without license sa Cavite

May 23, 2019

MARIING nanawagan ang mga residente ng Dasmariñas, Cavite sa mga otoridad nahulihin at parusahan ang mga magulang at mga minors na nagmamaneho ng walang driver’s license.

Ang panawagan ay pinaabot ng mga residente kay Mayor Elpidio Barzaga ng Dasmariñas at Land Transportation Office (Region 4-A) Director Eric Lenard Tabaldo na silang nakakasakop na siyudad.

Tinukoy ng mga residente ang lugar ng Bgy. Victoria Reyes City ng Dasmariñas, Cavite at mga kalapit na barangays.

Sa sumbong ng mga residente mga edad 14,15 at 16 pa lang ang mga nasabing mga nagmamanero at nagpapatakbo ng mga tricycles, motorcycles at ang iba ay mga four-wheel vehicles.

Ayon pa sa mga nagrereklamong mga residente, kapag sinasabihan nila ng delikado ang ginagawa ng mga minor na drivers galit pa ang mga ito maging ang kanilang mga magulang.

Anila karamihan sa mga ito ay motorcycles delivery ng tubig, soft drink at mga tricycles.

“Tiklop luhod pa kaming nanawagan sa LTO dito sa aming lugar o baka mas maganda kay LTO Chief Edgar Galvante, hulihin ang mga minor na drivers dito sa aming lugar,” saad ng mgaresidente.

Umaasa ang mga nagrereklamong residente na mabilis na gagawa ng action ang LTO para mahuli at mailagay sa ayos ang mga drivers sa kanilang lugar.