Home>News>Nation>Magsasaka inararo ng trak ng tinapay, patay

Magsasaka inararo ng trak ng tinapay, patay

Magsasaka
Ang biktima na halos dalawang oras na naipit bago maialis ng rescuers sa pinangyarihan ng aksidente. Kuha ni GIL AMAN

PATAY ang 65-anyos na magsasaka ng aksidenteng mabundol at maipit ng rumaragasang delivery truck ng tinapay ilang sandali bago sumalit ang 2021 sa Bgy. Panglan, Majayjay, Laguna.

Hindi na naipagdiwang ng biktimang si Danilo de Chavez , magsasaka, ng Bgy. Maslon Interior, Liliw, Laguna ang pagsapit ng pagpapalit ng Bagong Taon.

Sa mismong pinangyarihan ng aksidente binawian ng buhay ang biktima dahil sa lakas ng pagkabundol ng Izusu truck na minamaneho ng umano’y lasing na driver ng umano’y gawaan ng tinapay na si Dave Allan Cruz, 40 , ng Bgy. Masikap, Liliw,Laguna.

Dahil sa lakas ng pagkabundol, nakaladkad pa at naipit ng gulong ang biktima. Inabot umano ng dalawang oras bago ito maialis sa pagkakaipit ng rescue team at pulisya dahilan ng kamatayan nito.

Ang nasawing biktima ay nagtamo ng maraming sugat sa kanyang katawan.

Hinggil sa pangyayari ay nakatakda namang maghain ng kaukulang reklamo sa pulisya ang pamilya ng biktima laban sa drayber.

Reckless Imprudence Resulting to Homicide ang nakatakdang isampang kaso ng pulisya laban sa suspek na kasalukuyang nakapiit sa Majayjay PNP Lock Up Cell.

Publication Source :    People's Tonight