Malasakit program inilunsad upang ilapit LTO sa Pinoy

August 20, 2019

INILUNSAD ng Land Transportation Office (LTO) ang “Malasakit” program upang lalong ilapit ang agency sa taong bayan o clients.

Ayon Atty. Clarence V. Guinto, Director ng LTO-National Capital Region-West, ang program ay ayon sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Ayon sa concept lahat ng district offices ng LTO-NCR-West ay magkaroon ng “Malasakit Lounge” na magsisilbing temporary shelters o pahingahan ng mga clients ng agency habang naghihintay o sa mga unexpected situations.

Paliwanag ni Guinto pangunahin sa mga pagsisilbihan ang mga senior citizens, (SC) persons with disability, pregnant women o clients ng agency na may akay na mga anak na di maiwan sa bahay.

Dapat ding may charging stations ito, free water dispensing machine, laging may tubig na maiinom, reading materials kung posible free coffee rin, saad ni Guinto.

Aalalayan din ang mga may special needs tulad ng mga nanay na dala ang ka ilang mga baby na kailangan itong pasusuin o pakainin.

Sa hiwalay na interview sinabi ni Ligaya dela Cuesta, chief ng LTO-Manila Licensing Center, may ginawa na silang Malasakit Lounge na magiging temporarily resting place ng mga clients ng agency habang naghihintay.

Ayon kay Dela Cuesta, positibo ang pagtugon ng kanilang mga clients mula ng simulan nila ang Malasakit program.