Home>News>Nation>Mangingisda pumalaot sa Marinduque, nawawala

Mangingisda pumalaot sa Marinduque, nawawala

ISANG mangingisda ang nawawala matapos pumalaot sa dagat sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Rolly sa lalawigan ng Marinduque.

Nakilala ang biktima na si John Dariel Gonzales, 30 at residente ng Bgy. Marlangga, Torrijos, Marinduque.

Batay sa ulat mula sa Police Regional Office (PRO) MIMAROPA ang biktima ay huling nakita nitong October 30, 2020.

Nakita umano ang biktim na pumalaot sa dagat lulan ng isang bangkang de motor na kulay dilaw at blue na may markings na ‘Gabriel’.

Pakay umano ng biktima ang mangisda upang may maiuwi sa kanyang pamilya subalit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa ito bumabalik.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Publication Source :    People's Tonight
Zaida I. Delos Reyes
Native of Pampanga, resident of SJDM, Bulacan