Home>News>Nation>Masahista nag-home service, inombag ng selosong dyowa

Masahista nag-home service, inombag ng selosong dyowa

ARESTADO ang isang musikero matapos ombagin ang kinakasamang massage therapist dahil sa umano’y labis na panibugho matapos tumanggap ng home service ang biktima sa Malabon city.

Pababa pa lamang ng sinakyang electronic trike ang 46-anyos na biktimang itinago sa pangalang “Joan” dakong alas-11 ng gabi ng Sabado nang salubungin na siya ng kanyang kinakasamang si Diomar Cagud, 39 ,at kaagad na hinablot sa buhok bago tatlong ulit na pinagsasapak sa ulo.

Humingi ng tulong si Joan sa mga nagrorondang barangay tanod na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, tumanggap ng home service ang massage therapist sa kabila ng pagtutol ng kanyang kinakasama kaya’t nang umuwi ng kanilang bahay ay kaagad siyang sinalubong ng galit na galit na suspek at sinaktan bago pa man tuluyang makababa ng sinakyang e-trike.

Kasong physical injury na may kaugnayan sa paglabag sa R.A. 9262 o ang Violence Against Women and their Children Act ang isinampa ng biktima laban sa kinakasama.

Publication Source :    People's Tonight