Home>News>Nation>MC-based app riders humingi ng proteksyon

MC-based app riders humingi ng proteksyon

HINILING ng mga motorycle app-based riders sa gobyerno na bigyan sila ng labor, occupational safety, at health standard protection.

Ito ang hiling ng Labor Federation, Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines sa gitna ng pagdami ng mga motorcycle app-based riders sa buong bansa.

Ginawa ng grupo ang panawagan matapos mag-rally sa harap ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang nasa 400 riders mula sa Riders Association of the Philippines.

Inireklamo ng grupo ang umano’y hindi makatwirang new grading work payment scheme ng mga kumpanya.

Anila, maituturing na vulnerable workers ang mga motorcycle riders magmula nang nauso ang online selling apps sa gitna ng COVID-19.

Gayunman,sa ngayon ay walang batas o policy na titiyak sa kalagayan at interest ng grupong ito.

Panawagan ng grupo na gumawa ng batas ang Kongreso na magtatakda ng standard wages at social protection benefits sa naturang economy workers.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight