Mga sasakyan ng PHLPost namahagi ng ayuda

March 30, 2020

UMARANGKADA  sa kalsada ang mga sasakyan  ng Serbisyong Pangkoreo ng Pilipinas o  PHLPost upang tumulong sa pamamahagi  ng mga ayuda ng lokal na pamahalaan tulad ng pagkain at medical supplies.

Inatasan ni Postmaster General Joel Otarra  ang mga postal areas sa bansa na agarang tumulong sa pamamahagi ng mga relief goods sa mga komunidad at paghahatid ng mga medical supplies  sa ospital at mga klinika na humaharap sa laban kontra Covid-19. 

“In our own little way, we are fulfilling the organization’s mission of serving Filipinos wherever they may be.  PHLPost vows to help the community any way we can, after all we are in this together”, ayon kay Postmaster General Joel Otarra. 

Sa kasalukuyan, itinalaga ng PHLPost ang kanilang mga trak, service mail vehicles at mga tauhan upang tumulong na maibsan ang hirap na dinaranas ng ating mga kababayan sa panahon ng krisis.

Halimbawa nito,  ang siyudad ng  Pasig , sa pamamagitan ng eco-friendly “Green Delivery” electric bicycles na inisyatibo ng PHLPost, lokal na pamahalaan ng Pasig,  United Nations Environment Programme (UNEP), TailG, at Clean Air Asia, kasalukuyang inihahatid ng naturang mga sasakyan ang mga relief goods sa mga residente na hindi nakakalabas dahil sa enhanced community quarantine.

Ang “Green Delivery e-trikes” ay maliit lamang at madaling makakilos sa mga iskInita at kalsada upang mabilis na maiparating sa mga komunidad ang tulong ng lokal na pamahalaan.

“Kaagapay din  ang mga kawani at kartero ng PHLPost sa pagrere-pack ng mga relief goods para sa “humanitarian missions” na isinasagawa sa buong bansa”, ani PMG Otarra.

“Through our concerted efforts, PHLPost hopes to continue helping each other with dignity and pride. Because the essence of service is our love for the people, for the nation, and together we will win this fight”, pahayag ng PHLPost.