Home>News>Nation>Misis nalaglag sa motorsiko, nagulungan ng trak, dedo

Misis nalaglag sa motorsiko, nagulungan ng trak, dedo

ISANG misis ang namatay matapos malaglag sa motorsiklong minamaneho ng kanyang mister at magulungang ng 10-wheeler truck noong February 14, 2021 sa Cavite.

Kinilala ni Police Major Rommel Dimaala, police chief ng Amadeo, Cavite, ang nasawi na si Judy Ann Piamonte, 23, residente ng Manggahan, General Trias City.

Napag-alamang minamaneho ng mister ng biktima na si Mario Nilo Piamonte, 26, ang motorsiklo papuntang Tagaytay nang mag-overtake ito sa gas tanker.

May natamaang bato ang motorsiklo kung kaya’t nawalan ng control si Mario at tumilapon ang kanyang misis sa harap ng 10-wheeler truck na tuluyang nasagasaan ang biktima.

Ang truck driver na si Rolando Obsioma, 49, residente ng Bgy. Bagtas, Tanza, ay agad sumuko sa mga otoridad.

Publication Source :    People's Tonight
Dennis Abrina
Native of Poblacion, Kawit, Cavite