Home>News>Nation>MRT-3 ipinatutupad 7 Commandments

MRT-3 ipinatutupad 7 Commandments

MAHIGPIT na ipinatutupad ng leadership ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) ang “7 Commandments” para matiyak ang protection ng lahat ng commuters at mga employees nito, habang patuloy ang banta ng COVID-19.

Ayon sa MRT-3 management priority nila na masigurong ligtas ang mga commuters habang may pandemic, dahil ang pinakamahalaga ay buhay ng bawat isa bago ang lahat.

Ipinaparamdam ng MRT-3 management sa commuters na sila ay ligtas kontra sa COVID-19 habang bumabiyahe sa tren.

Sa gitna ng pandemya, tinitiyak na ligtas at handa sa araw-araw na pagbiyahe ang bawat tren, sa pamamagitan ng pagpapairal ng 7 COMMANDMENTS, na base sa rekomendasyon ng mga eksperto sa kalusugan:

1) Laging magsuot ng face mask at face shield;

2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono;

3) Bawal kumain;

4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV;

5) Laging magsagawa ng disinfection;

6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon; at

7) Laging sundin ang panuntunan sa physical distancing (“appropriate physical distancing“).

Ayon sa MRT-3 management hanggang nandyan pa ang banta ng COVID-19 titiyakin nilang ligtas ang lahat ng commuters na bumibiyahe araw-araw.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight