Home>News>Nation>Nag-exercise muna bago mag-suicide

Nag-exercise muna bago mag-suicide

ISANG 36-anyos na lalaki ang nag-ehersisyo muna bilang parte ng kanyang therapy bago nagbaril sa kanyang sarili sa loob ng kanilang tahanan sa Calasiao, Pangasinan noong Lunes ng umaga.

Ang biktima ay may asawa, walang trabaho at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat, ang biktima ay kasalukuyang nage-exercise bilang parte ng kanyang therapy nang utusan niya ang kanyang misis na kumuha ng damit sa kanilang kuwarto.

Ayon sa misis, habang kumukuha siya ng damit sa kanilang kuwarto bigla siyang nakarinig ng isang putok ng baril.

Nakita ng misis ang biktima sa hapag kainan ng kanilang bahay na wala ng buhay.

Nakarekober ang mga otoridad sa lugar ng pinangyarihan ng isang kalibre .45 na baril na merong kargang magazine at isang basyo ng bala habang patuloy na iniimbestiganan ang insidente.

Publication Source :    People's Tonight