‘Nationalized power plan’ solusyon sa power ‘monopoly’

January 02, 2020

HINIMOK nina House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at chairman Neri Colmenares ang Pangulong Rodrigo Duterte na pagtuunan din ang nangyayaring umano’y monopolyo ng mga makapangyarihan at mayayamang kapitalista sa ‘power industry’, matapos na sitahin nito at balaan ang ‘concession agreements’ ng Maynilad at Manila Water na ang pamahalaan na ang mangangasiwa dito.

“The constant threat of thinning power supply and brownouts in exchange for higher power rates or more onerous power supply agreements has been the bane of consumers for decades now,” ayon kay Zarate.  

Aniya, sang-ayon sila sa sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi, na ang ‘yellow’ at ‘red alert’ warnings ay mga senyales ng pagnipis ng suplay ng enerhiya kaya dapat nang simulan ang pagtatayo ng kapasidad, subalit kailangan ng komprehensibong ‘nationalized power plan’ upang makamit ito.

“At the minimum the Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) must be reviewed and drastically amended, or, at best even repealed out right so that it would be the government that would make the energy plan to be implemented and not just rely on the whim and greed of power oligarchs,” ani ng Davao-based solon.  
Binigyan diin ng kongresista na sa EPIRA, ang ‘electricity rates’ ay tumaas ng mahigit sa 100% mula nang itatag ito noong 2001, at nagkaroon ng ‘periodic yellow’ and ‘red alerts’ kung saan ay nagkaroon ng mahaba at malawakang ‘brown outs’ partikular sa mga lalawigan.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Colmenares, na ang puwersahang pagpapasara sa mga ‘power plant’ ang dahilan ng pagkakaroon ng ‘yellow’ at red alerts, maging ang pagtaas ng ‘power rates’ na kagagawan ng mga may-ari ng generation at distribution companies,”  

“Tama lang ito dahil sila naman talaga ang may kasalanan. May kontrata sila to deliver electricity to the public pero di nila naibigay. Kung nasira ang boiler o anumang problema yan, kargo nila dapat. Wag nilang ikarga sa aming consumers.

“Ibig sabihin sila ang magbayad sa power shortage at resultang pagtaas ng presyo ng kuryente na sila din naman ang may kagagawan. Parang may kontrata tayo, you gencos failed to deliver. So kayo ang may breach of contract kaya bakit kami ang pagbabayarin?” dagdag pa ng Bayan Muna chairman.