No permit, no exam pinatitigil ni Revilla

August 20, 2019

“NO permit, no exam’ policy, a violation rights to education.”

Ito ang pahayag ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. makaraang isumite nito ang panukalang batas na naglalayong itigil na ang patakarang ‘no permit, no exam policy na kasalukuyang kalakaran sa mga paaralan.

Nabatid na umiiral ang ganitong sistema na labis na dumudurog sa katauhan ng isang estudyante dahil sa higpit o kawalang awa ng mga unibersidad sa kanilang mga estudyante.

Hindi man ito ang tunay na layunin ng naturang polisiya ngunit may mga mag-aaral na nasira ang pag-aaral dahil sa hiyang bumalik sa eskuwela matapos na hindi makakuha ng eksaminasyon.

Ang no permit , no exam’ policy ay ginawang sistema ng mga unibersidad upang maubligang magbayad muna ang mga mag-aaral ng tuition fee na instalment hanggang matapos ang school year.

Dahil dito ay nagsumite si Revilla  ng Senate Bill  904 upang magkaroon ng panuntunan ang mga paaralang magpapatupad ng naturang polisiya o karampatang parusa.

Hindi papayagan ni Revilla na ang isang estudyante partikular ang post-secondary and higher education na pigilang makakuha ng midterm or final examination o kahalintulad na pagsusulit dahil lamang sa hindi nakabayad ng  tuituion fee bago mag-exam.    Sinabi ni Revilla na ang Commission on Higher Education (CHED) ay hindi rin pinapayagan ang sistemang “no permit, no exam” policy, pero kasalukuyan itong umiiral sa maraming paaralan.

Ipinaalala din ni Revilla na ang DepED Order 15 S. 2010 na naglalayong dapat payagang kumuha  ng eksaminsayon ang isang mag-aaral kahit hindi pa ito bayad ng buong tuition fee.

“Grabe ang epekto nito sa isang mag-aaral, nagkakaroon sila ng inferiority complex, anxiety at pagkawala ng self- esteem na humahantong sa pagkawala ng ganang mag-aral” ani pa ni Revilla.