Home>News>Nation>No RFID, no entry sa expressways

No RFID, no entry sa expressways

Alberto Suansing
Engineer Alberto Suansing Photo by JUN I. LEGASPI

Pero no penalty pag walang RFID

AFTER ng December 2, 2020 deadline ‘no RFID no entry’ sa lahat ng expressway ng bansa.

Ito ang nilinaw kahapon ni Engineer Alberto Suansing, senior adviser ng Department of Transportation (DOTr), kaugnay sa maraming tanong tungkol sa paglalagay ng RFID sa mga vehicles na dumaraan sa lahat ng expressway ng bansa.

Sa weekly blog ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCPS) kasama si Ardy Cristobal ng North and South Auto Crew (NSAC), nilinaw din ni Suansing na pagkatapos ng December 2, 2020 deadline pwede pa ring magbayad ng cash ang mga wala pang RFID sticker subalit kailangan muna silang kabitan ng sticker bago makapasok ng expressway.

Advise ni Suansing sa mga motorists lalo na sa frequent user ng mga expressways ng bansa magpalagay na ng sticker upang hindi maabala.

Nilinaw din ni Suansing na walang violation o penalty na babayaran ang isang sasakyan na walang sticker ng RFID.

Maling kaisipan yun, kung hindi ka naman dumaraan ng mga expressway kahit walang striker ng RFID walang isyu dun,” saad ni Suansing.

Sa ngayon anya sa ilalim ng leadership ng DOTr at Toll Regulatory Board patuloy at tuloy-tuloy ang mga pag-uusap para sa mas higit pang improvement ng mga expressway at ligtas at convenient na biyahe ng ating mga kababayan lalo na sa mga public utility vehicles, saad ni Suansing.

Kaugnay nito, mariing nanawagan si Inton at Cristobal sa DOTr at TRB na magkaroon ng mas systematic na policy para hindi mahirapan ang mga kababayang motorista sa pagkuha ng sticker ng RFID.

Mungkahi ni Inton sa mga kinauukulan na huwag limitahan ang lugar ng pagkuha ng RFID stickers na ngayo’y nasa expressway o mga toll plaza lamang kung kayat kapansin-pansin ang napakahabang pila na halos inaabot ng ilang oras at abala sa mga motorista at sa halip ay ilagay na ito sa mga mall o mas accessible sa maraming tao upang mas mapadali ang pagbibigay ng nasabing stickers para sa pinaghahandaang cashless transactions.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight