No Smartmatic sa ’22

June 06, 2019
Andres Bautista

BBM camp: Deport Bautista back to PH.

UMANI ng napakaraming reaksyon at suporta ang ginawang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Election (Comelec) na ibasura na ang Smartmatic bilang supplier at service provider sa lahat ng susuonod na eleksyon dahil sa palagian at napakaraming paglabag nito sa ipinaiiral na Automated Election Law (Republic Act 9369).

Ayon kay Kontra Daya convenor Danilo Arao, pinakamalala ang naging pagpapatakbo ng Comelec at Smartmatic sa nakaraang halalan kung saan nagkaroon ng pitong oras na ‘glitch’, malinaw na paglabag sa RA 9369 kung saan nakasaad na ang resulta ng halalan dapat ay ‘transparent, credible, fast, accurate and reflective of the genuine will of the people’.

Matatandaan na noong 2013 mid-term election ay malakas ang alingasngas sa umano’y dayaan gamit ang 60-30-10 scheme kung saan hinati-hati ang boto para paboran ang mga kandidato ng administrasyon sa senador, congressman pati na rin sa mga opsiyal ng local government units upang masiguro ang panalo ng mga ito.

Ganoon din noong 2016 kung saan sa kabila ng halos isang milyong botong lamang ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay bigla na lamang natigil ang transmission of votes para sa bise-presidente at bigla na lamang bumaliktad ang resulta na siyang naging basehan ng election protest na inihain ni Marcos na kasalukuyang dinidinig at nakabinbin pa rin ngayon sa Presidential Electoral Tribunal (PET).

Samantala hiling naman ng abogado at tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez sa Joint Congressional Oversight Committee (JCOC) “ang pagkansela sa pasaporte o travel document ni dating Comelec Chairman Andy Bautista upang panagutin sa isyu ng malawakang dayaan noong 2016 dahil naniningil na ang sambayanag Pilipino sa mga kasalanan ng dayuhang Smartmatic kasabwat ng ilang tiwaling opisyal ng Comelec.”

Minsan na ring naiulat na nakipagkita si dating Comelec chairman Andy Bautista kay Pangulong Duterte sa Malakanyang at diumano’y umamin sa sabwatan ng Smartmatic at korup na mga opisyal ng Comelec sa tangkang agawin ang panalo mula kay Duterte at pagbabawas ng higit kumulang limang milyong boto mula rito.

“It is the solemn duty of our lawmakers investigating on the sins of Smartmatic and Comelec to ensure that all personalities who figured in 2013, 2016 and 2019 elections be made to account and held responsible for all their actions, prevent cheating and fraud from again undermining the coming 2022 presidential elections and guarantee to the Filipino people that it shall be free from foreign intervention and manipulation”, wika ni Rodriguez.