Home>News>Nation>Oligarkiya, kalaban ng demokrasya — Go

Oligarkiya, kalaban ng demokrasya — Go

ITINUTURING nina Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Bong Go na kahanay ng mga terorista, kriminal at mga abusadong opisyal ng gobyerno ang mga oligarko sa bansa bilang kalaban ng ating demokrasya.

Ayon kay Go, sinasamantala ng mga ito ang kahinaan ng taumbayan kung kaya maging siya ay hindi mangingiming labanan ang mga ito para sa kapakanan ng mga ordinaryong Filipino.

Kasabay nito’y naniniwala si Go na walang binabanggit ang Pangulo na espisipikong kaso tungkol sa patuloy na ginagawa ng kasalukuyang administrasyon laban sa katiwalian.

“Sa pagkakaintindi ko, the President was not pertaining to any specific case but was talking about the impact of the administration’s continuing fight against corruption in his address to the military recently,” ayon kay Go

Anang senador, wala namang sinabi na pangalan ang Pangulo pero dinidiinan niya na sa nakaraang mga taon na nilalabanan ang mga corrupt at mga abusado, nagkakataon na lumalabas rin ang katotohanan ukol sa mga maling pamamalakad ng iilang grupo o kumpanya sa bansa.

“Hindi ito palalampasin ng Pangulo at sisiguraduhin na maisaayos ang mga mali para tuluyang masugpo ang korapsyon at mapang-abusong mga kalakaran. Dahil sa laban nating ito, unti-unti na ring nabubuwag ang sistema ng oligarkiya sa bansa, without the need of declaring Martial Law,” ani Go.

Nag-ugat aniya ang ginagawang giyerang ito ni Duterte sa katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan dahil sa pagmamahal sa bayan.

“This fight against corruption and abusive practices stems from his love for country. I will continue to support the President in this fight in order to rid our country of corruption from top to bottom. Kung mahal mo ang bayan mo, ipaglalaban mo ito laban sa lahat ng nang-aabuso mula sa pinaka-maliit hanggang sa pinakamakapangyarihang gumagawa ng masama sa kapwa nating Pilipino,” sabi ni Go.

“That is why when oligarchs, terrorists, criminals and abusive or corrupt officials try to harm or take advantage of the people—in the eyes of the President, they are the enemies who threaten our democratic way of life, and he will not hesitate to fight them to protect the interests of the ordinary Filipinos,” pahabol pa ng senador.