Home>News>Nation>Padre de pamilya bumili ng ulam, nasalpok ng sasakyan, patay

Padre de pamilya bumili ng ulam, nasalpok ng sasakyan, patay

HINDI na naiuwi ng isang padre de pamilya ang kaniyang biniling ulam matapos masalpok ng isang sasakyan ang minamaneho niyang motorsiklo sa lungsod Quezon.

Nadala pa sa ospital ang bikitimang si Arnulfo Allejo, 52, pero idineklara itong dead on arrival.

Sa ulat ng Quezon City Traffic Sector 1, nangyari ang insidente Lunes ng hapon.

Binabaybay umano ng biktima ang kahabaan ng Visayas Avenue nang biglang sumulpot ang isang puting SUV sa kanto ng Tandang Sora Avenue.

Sa kuha ng CCTV ng Barangay Pasong Tamo, kita ang pagsalpok ng nasabing sasakyan sa motorsiklo ng biktima.

Ayon sa asawa ng biktima na si Arlene, umalis saglit ang asawa para umano bumili ng uulamin para sa hapunan nilang mag-anak.

Nagtataka naman ako, napakalapit lang ng palengke, bakit ang tagal niyang umuwi,” ani Arlene.

Hawak na ng mga awtoridad ang driver na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Publication Source :    People's Tonight