Pagpapatupad ng doble plaka sa gitna ng krisis ikinabahala

OVERregulated!

Ganito inilarawan ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang full implementation ng “Doble Plaka” para sa mga milyong motorcycle riders.

Ayon kay Inton bakit ngayon nasa crises tayo ng COVID-19 pandemia saka naisipan ipatupad ang nasabing policy.

Ngayon nga lang isang plaka marami pang mga motorcycles ang wala dodoblehin pa, saad ni Inton.

Hinikayat ni Inton ang mga taong nasa likod ng full implementation ng doble plaka policy na sa panahon ngayon ng COVID-19 hindi ba pwedeng isangtabi muna yang mga bastos na wala naman maitutulong sa tao.

Kitang kita naman lahat ng tao nakapila at nagaabang sa financial support ng Department of Social Worker and Development (DSWD) at mga local government tapos eto, pagagastusin nyo pa ang mga tao, baka pwede pag kalmado na ang lahat saka na ipatupad itong doble plaka, saad ni Inton.

Ayon kay Inton walang tigil ang buhos ng reklamo ng mga motorcycle riders sa LCSP tungkol sa surprised full implementation ng doble plaka ng Land Transportation Office.

Ayon kay Inton paulit ulit ulit ang tanong ng mga motorcycle riders bakit ngayon hind ba pwedeng pagkatapos na ng COVID-19?

Kuunting pangunawa at habag naman sa amin, saad daw ng mga riders ayon kay Inton.

Nauna rito inilibas ng LTO ang Internal Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 11235 o Motorcycle Crime Prevention Act (MCP) para sa full implementation.

Ayon sa policy pagmumultahin ang mga motorcycle riders na walang doble plaka na mahuhuli at magmumulta ng hindi bababa sa P50,000 at posibleng makulong ng 6 months pataas.

Ang LCSP at mga motorcycle riders ay humihingi ng maigting na consideration sa mga taong nasa likod ng policy.