Home>News>Nation>Pagtigil sa pork holiday hiniling

Pagtigil sa pork holiday hiniling

PINAPAKIUSAPAN ng mga grupo ng mga manggagawa ang mga pork and chicken retailers na nagsasagawa ngayon ng ‘pork holiday’ na pansamantalang tumigil muna sa pagtitinda ng karne upang makaiwas sa price freeze na pinapatupad ng gobyerno simula Lunes.

Pakiusap ng Associated Labor Unions-TUCP, ang pinakamalaking samahan ng mga manggagawa sa bansa, sa mga pork and chicken retailers na iwasan ang pagsagawa ng pork holiday dahil mas lalong mahihirapan ang mga nakakaraming ordinaryong mga manggagawa na makahanap ng affordable at masustansyang karneng baboy at manok dahil sa ginagawa nilang ‘pork holiday’.

Ayon kay Alan Tanjusay, tagapagsalita ng ALU-TUCP, minsan lang naman at hindi madalas ang price freeze sa mga naturang produkto kung kaya dapat magtinda sila kahit may price freeze.

Makisama naman sana ang mga nagsasagawa ng pork holiday. Pansamantala lamang ito ngayong may krisis dulot ng pandemya. Ang price freeze ay makatutulong sa mga manggagawa na kakarampot at pilit pinagkakasya ang sweldo. Nakikiusap kami sa kanila na huwag nang mag-pork holiday at tumuloy sa pagtitinda dahil hindi naman nila ikalulugi ng lubusan ang pansamantalang price freeze na ito, ” pahayag ni Tanjusay.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight