Home>News>Nation>Party nauwi sa gahasa

Party nauwi sa gahasa

Dalaga ‘pinulutan’ ng lasing na chef

INARESTO ng pulisya ang isang chef dahil umano sa panggagahasa ng Grade 12 student matapos malasing ang suspek sa isang party.

Nakatakdang sampahan ng kasong rape ang 47 taong gulang na suspek at residente ng Bacoor, Cavite.

Sa report ng Masambong Police Station, nangyari ang insidente noong Disyembre 10, 2020 sa bahay ng biktima sa Bgy. San Antonio, Quezon City.

Isang party umano ang ginanap sa nabanggit na petsa kung saan kasama ang suspek sa mga inimbitang bisita ng tiyuhin ng biktima.

Ayon sa pulisya ay nakasama sa inuman ang suspek, ang biktima at iba pang bisita.

Bandang 2 a.m. ay nagpaalam ang 18-anyos na biktima na siya ay matutulog na.

Ilang minuto ang lumipas ay naalimpungatan umano ang biktima nang mapansin na may ibang tao sa silid niya.

Pinagbantaan umano ng suspek ang biktima na papatayin niya ito kapag sumigaw siya.

Sa kabila ng pagpupumiglas ng biktima ay nagawa umano siyang halayin ng biktima.

Agad na tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Isang follow-up operation ang isinagawa ng mga operatiba ng Masambong Police Station sa pangunguna ni PSMS Michael Medina sa tirahan ng suspek na nagresulta ng kaniyang pagkakaaresto.

Publication Source :    People's Tonight