Home>News>Nation>Party ng pulis sa resort lumabag sa protocol?

Party ng pulis sa resort lumabag sa protocol?

Bulacan PulisNANGANGANIB na masampolan ng pagpalo ng yantok ang ilang pulis sa Bustos, Bulacan makaraang mamataang nag-party-party sa isang resort sa lalawigan.

Sa mga larawan na natanggap ng People’s Tonight, makikita ang ilang pulis ng bayan ng Bustos, na kasama sa party sa Galilee Wonderland Resort.

Makikita sa larawan na magkakasama sa mahabang lamesa ang mga pulis na nag-iinuman at walang mga suot na face mask at tila hindi rin nasunod ang physical distancing.

Bagama’t nasa ilalim na ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang lalawigan ng Bulacan, umiiral pa rin ang minimum health protocol tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield at physical distancing.

Matatandaang sa pag-upo ni PNP Chief, Police General Debold Sinas, inihayag nito na gagamitan ng yantok ang mga quarantine protocol violators upang matiyak ang disiplina sa gitna ng pandemya.

Ayon kay Joint Task Force COVID-19 Shield chief Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag, nagdeploy sila ng mga tauhan upang magbantay sa mga lalabag sa quarantine protocols.

Meron pa kaming tinawag na social distancing patrol, ito ‘yung pinag-utos ng ating chief PNP si General Sinas… May hawak na yantok ‘yan, isang metro ‘yan, pang-saway tapos panukat. Pamalo na rin doon sa matitigas ang ulo,” saad ni Binag.

Publication Source :    People's Tonight
Marlon Purificacion
Journalist At Large