Pasang-Masda, Fejodap, hindi kasama sa tigil-pasada bukas

September 28, 2019

HINDI suportado at kasama ang transport na Pasang-Masda at Fejodap sa tigil -pasada bukas  na isasagawa ng ilang transport groups.

Ipinaliwanag ni Obet Martin, national president ng Pasang-Masda, na hindi magandang gesture ito para sa lahat.

Ayon naman kay Zeny Maranan, national president ng Federation of Jeepny Operators Driver’s Association of the Philippines (Fejodap), hindi din sila sasama ang kanilang grupo sa tigil-pasada.

“Hindi po, pero makikiisa kami sa ipinaglalaban nila dahil problema din naming  iyan”, ani Maranan.

“We are constructive leaders not destructive, kaya kami sa Pasang- Masda ay hindi sang-ayon sa tigil -pasada”, saad naman ni Martin.

Ayon pa kay Martin may open door policy ang opisina ni Secretary Arthur Tugade ng Department of Transportation (DoTr).

“Kapag transport ang pinag-usapan, anytime anywhere open for communication si Sec. Tugade. Alam namin ito dahil personal experienced ng aming grupo”, sabi ni Martin.

Ayon pa kay Martin, malinaw din na sinasabi ng ilang transport groups  na hindi sila laban sa Public Utility Vehicles Modernization Program (PUVMP).

Ipinaliwanag pa ni Martin na ang program ng DoTr at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay modernization. Iba ito sa pinipilit nilang rehabilitations.

“Eh kahit saan mo tignan eto, spelling, kahulugan o salita, ibang- iba sa modernization program ng gobyerno,” saad ni Martin.

“Maganda dyan makipagusap sila kay Sec. Tugade at hanapin ang win-win solution hindi problema, sabi ko nga constructive leaders kami hindi destructive, sabi pa ni Martin.