PCMA sa DOTr: Ipatupad ang reglamento sa pagbibigay ng permit sa taxicyles

December 13, 2019

HINIKAYAT ng commuter group ang mga app based transportation establishments na maging “responsible” at gawing priority ang “safety” ng  commuters dahil buhay ang sangkot dito .

Ang panawagan ay ginawa ng Public Commuters and Motorists Alliance (PCMA) dahil na rin sa mga nagsulputang mga apps based transportation services tulad ng “taxicycles.

Nanawagan din ang commuter group sa Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (DOTr-LTFRB) na ipatupad ng mahigpit ang  rules and regulations sa pagbibigay ng mga accreditation at permit sa  taxicycles  applicants.

“Kami po bilang commuters o end users ang directly affected kung magkaroon man ng unnecessary o unfortunates incidents at buhay ang sangkot dito, kaya dapat lang tiyaking ligal ang lahat ng bagay, tulad ng insurance, driver´s license, permits, accreditation o franchises,” sabi ng PCMA.

Nanawagan din ang PCMA sa  taxicycles applicants kung hindi pa approved ang inyong  applications huwag po muna kayong mag- operate dahil endanger ang buhay ng inyong  commuters kung magkaroon ng mga aksidente dahil hindi pa kayo authorized ng DOTr at LTFRB.

Nauna rito nagsampa ng Termporary Restraining Order sa Quezon City Regional Trial Court  ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa pangunguna ni Atty. Raymond Fortun at Atty. VJ Topacio upang ipatigil ang mga sinasabing unauthorized operation ng taxicycles habang under evaluation pa ang kanilang applications sa DOTr-LTFRB.

Ayon sa report sa susunod na linggo ay ilalabas ng Quezon City Court kung papaboran o hindi ng court ang petition na isinampa ng LCSP laban sa sinasabing taxicycles applicants.

Umaasa ang PCMA na mabilis na tutugunan ng DOTr-LTFRB ang kanilang panawagan para na rin sa kaligtasan ng commuters, dahil na rin sa pagiging popular ng taxicycles sa buong bansa lalo na sa Metro Manila dahil sa mabilis na serbisyo.