Home>News>Nation>PCMA: Tiyaking 100% healthy PUV drivers

PCMA: Tiyaking 100% healthy PUV drivers

HINILING ng transport group sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tiyakin muna na lahat ng drivers ng public utility vehicle 100% healthy bago uli bumalik sa biyahe.

Ang panawagan ay ginawa ng Public Commuters and Motorists Alliance (PCMA) sa unti-unting pagbibigay ng go signal ng LTFRB sa mga PUVs tulad ng traditional jeepney, vans, Metro Manila buses, at ilang provincial buses na bumiyahe.

Hiniling ito ng PCMA ito bilang pag-iingat laban sa COVID-19 at hanggang hindi pa available ang vaccine para dito.

Ang panawagan, ayon sa PCMA, ay upang pangalagaan ang mga drivers, conductors, employees lalo na ang mga commuters na bumibiyahe araw-araw.

Bukod pa sa seven commandments na ipinatutupad ng DOTr-LTFRB sa mga PUVs, hiniling din ng commuter group na higpitan ang enforcement sa smoking ban sa mga PUVs.

Ayon sa commuter group, marami pa ring mga “pasaway” na drivers tulad ng taxi, bus, at jeep na naninigarilyo habang bumibiyahe.

Itinawag pansin din ng PCMA sa DOTr at LTFRB ang paggamit ng cellphone ng ibang drivers habang nagmamaneho.

Umaasa ang PCMA na agad gagawa ng action ang DOTr at LTFRB para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight