Home>News>Nation>Pepito lalong lumakas, labas na ng PH sa Byernes

Pepito lalong lumakas, labas na ng PH sa Byernes

MARIING pinag-iingat ng mga otoridad ang publiko dahil lalo pang lumakas ang typhoon Pepito habang kumikilos papuntang Isabela-Aurora area.

Ayon sa 11 a.m. report kahapon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang sentro ng typhoon ay namataan sa layong 295 kilometro silangan ng Baler, Aurora.

Patuloy ang pagkilos ni Pepito pahilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro bawat oras at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 65 kilometro malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 80 kilometro bawat oras.

Bunga nito, nakataas ang Signal number 2 sa La Union,Ifugao,Benguet,Nueva Vizcaya,Quirino,Pangasinan,Nueva Ecija,Tarlac,Aurora, the southern portion of Isabela (Palanan,San Mariano,Benito Soliven,Naguilian,Gamu,Burgos,San Manuel,Aurora,Cabatuan,Luna,Reina Mercedes,Cauayan City,Dinapigue,San Guillermo,Angadanan,Alicia,San Mateo,Ramon,San Isidro,Echague,San Agustin,Jones,Santiago City,Cordon), southern portion ng Ilocos Sur (Sugpon,Alilem,Tagudin), northern portion ng Zambales (Iba,Palauig,Masinloc,Candelaria,Santa Cruz,Botolan,Cabangan) at northern portion ng Quezon (General Nakar)

Signal number 1 naman sa Abra,Kalinga,Mountain Province,Bulacan,Pampanga,Bataan,Metro Manila,Rizal, northern portion ng Camarines Norte (Paracale,Jose Panganiban,Capalonga,Vinzons),Catanduanes, nalalabing bahagi ng northern portion ng Quezon (Infanta,Real) at nalalabing bahagi ng Zambales

Ngayong Miyerkules, ang bagyong si Pepito ay inaasahang nasa layong 155 kilometro kanluran ng Dagupan City, Pangasinan, sa Huwebes ay nasa layong 465 kilometro ng kanluran ng Dagupan City, Pangasinan at sa araw ng Biyernes ay nasa labas na ng ating bansa.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight