Home>News>Nation>PETA, Magsasagawa ng Protesta sa Heritage Hotel Dahil sa Kaugnayan nito sa Iditarod Bukas

PETA, Magsasagawa ng Protesta sa Heritage Hotel Dahil sa Kaugnayan nito sa Iditarod Bukas

Iditarod

Manila – Dahil ang Millennium Hotels and Resorts ay nag bibigay suporta pa rin sa Iditarod—a long-distance dogsled race na ginaganap taon-taon sa Alaska, kung saan higit sa 150 bilang ng aso ang namatay—ang “aso” ng PETA na si Tagpi ay mag-poprotesta bukas sa labas ng Heritage Hotel na pag aari ng Millennium.

Kailan: Miyerkules, Hunyo 30, 12 ng tanghali

Saan: Sa labas ng Heritage Hotel, Roxas Boulevard cor. EDSA, Pasay

“Ang PETA ay nananawagan sa Millennium Hotel and Resorts na tingnan ang kalupitan ng Iditarod sa mga aso,” ayun kay PETA Senior Vice President of Campaigns Jason Baker. “Ang mga bisita ng Millenium ay dapat makaramdam ng pagkamuhi na sila ay sumu-suporta sa karera na nagpapatakbo ng 150 na aso patungo sa kanilang kamatayan at marami pang iba na sumusuko ang katawan na sa pagod.”

Halos kalahati ng mga aso na nag sisimula sa karera ay hindi ito natatapos, at sa kasagsagan ng karera ngayong taon, halos 200 na aso ang tinanggal sa daanan dahil sa sobrang pagod, pilay, at iba pang dahilan, na dagdag pahirap sa mga asong naiwan. Ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga aso na nagkakarera sa Iditarod ay ang aspiration pneumonia—na sanhi ng paglanghap nila sa kanilang mga suka. Maraming iba pa ang namamatay kahit hindi panahon ng karera dahil nakakadena sa labas na may malamig na panahon o pinapatay dahil hindi ito mabilis tumakbo.

Ang korporasyon ng gasolina at langis na ExxonMobil, isa sa mga malaking taga-suporta ng Iditarod at nag-aabot ng US$250,000 kada taon, ay nagkumpirmang ang 2021 ang huling taon na sila ay susuporta sa karera—habang ang Chrysler, Jack Daniel’s, Coca-Cola, Wells Fargo, at Alaska Airlines ay tumigil na sa pag-suporta sa Iditarod.

Broadcast-quality na bidyo ay mahahanap dito.

Ang inyong saklaw ay imbitado. Mag-RSVP kay Ashley Fruno sa 09186690829 o sa AshleyF@PETAAsiaPacific.com o kay Rochelle Regodon sa 09204974679 o sa RochelleR@PETAAsiaPacific.com.

Ang PETA—na nagsasabi na, “ang mga hayop ay hindi natin pag aari para gamitin sa kaaliwan”—ay sumasalungat sa sa paniniwalang ang tao ay higit sa mga hayop. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang PETAAsia.com o i-follow ang grupo sa Twitter, Facebook, o Instagram.