Home>News>Nation>Pinagsimba muna bago pinatay!

Pinagsimba muna bago pinatay!

ISANG 52-ANYOS na transport cooperative president ang namatay matapos barilin sa ulo habang palabas ng Jesus the Rock of All Ages Christian church Linggo ng hapon sa Bgy. Narra, San Pedro City, Laguna.

Kinilala ni Laguna Provincial Director PCol. Serafin Petalio II ang pinaslang na biktima na si Alex Sabolbora Jalandoon, taga San Pedro City.

Ang insidente ay naganap malapit rin sa Galic Hospital bandang 2 p.m.

Ayon sa initial investigation, kakasimba lang ng biktima ng biglang sumulpot ang suspek at binaril siya sa ulo.

Matapos ang insidente ay sumakay ng naghihintay na motorsiko ang suspek at tumakas.

Ang biktima ay dineklarang dead on arrival sa Galic Hospital.

Nagungsad na ang San Pedro police ng follow-up operation at nirereview na ang mga CCTV footages ng nasabing krimen upang makilala ang suspek at malaman ang motibo sa pagpaslang ng transport cooperative president.

Publication Source :    People's Tonight