Home>News>Nation>Pinatay dahil sumbungero

Pinatay dahil sumbungero

ISANG 47-ANYOS na security guard ang binaril at napatay ng kasamahan nyang security guard dahil umano sa mga sumbomg ng biktima sa kanilang amo.

Ang insidente ay naganap Miyerkules ng umaga sa loob ng Montelago Subdivision sa Bgy. Sta Elena, San Pablo City, Laguna.

Ayon kay San Pablo City police investigator PSMg. Henrico Gaspa, ang biktima ay nakilalang si Fernando Empoy Maloles, ng Bgy. Prinza, Calauan, Laguna.

Si Maloles ay ideneklarang dead on arrival sa San Pablo City District Hospital dahil sa tama ng baril sa katawan.

Ang suspect na nakilalang si Ramil Aranda Ramos, 37, ng Bgy. Sta Elena, San Pablo City, ay tumakas matapos barilin nito ang biktima gamit ang kanyang service firearm bandang 5:30 a.m.

Nag-ugat daw ang pamamaril ng suspek dahil sa mga sumbong ng biktima, ” ayon sa isang Investigator.

Ang pamamaril ay nasaksihan ng kasamahan nilang security guard na nakilalang si Ronnie Tayaktak Lecciones, 44 , ng Bgy. IV-E, San Pablo City Laguna.

Bago tumakas, isinurender ng suspek ang kanyang issued firearm na caliber .38 Armscor sa kanilang assistant security officer sa Tiaong, Quezon.

Publication Source :    People's Tonight