Problema sa Parañaque Integrated Terminal Exchange, ayusin -- Public Commuters Motorists Alliance

November 28, 2018

MAIGTING na nanawagan ang commuter group sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ayusin agad ang hirap ng pagsakay ng mga commuter sa bagong Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Ayon sa Public Commuters Motorists Alliance (PCMA) walang duda state of the arts ang bagong PTIX at ito ay para sa kabutihan ng mga commuter pero sa ngayon hirap ang dinaranas ng mga commuter.

Ayon sa PCMA inuulan sila ng reklamo sa araw- araw dahil sa hirap ng pagsakay, dahil umano sa walang mahusay na programa ng mga dumarating at umaalis na mga bus mula ibat ibang provincial destination maging ang mga Metro Manila bus.

Ayon sa PCMA dahil sa abala maraming nahuhuling mga worker sa kanilang trabaho, at maraming panahon ang nasasayang dahil anya sa hindi organize na programa ng pagdating at pag-alis ng mga  provincial o Metro Manila bus.

Sa hiwalay na interview, sinabi rin ni Atty. Ariel Inton Jr.,founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na ngayon pa lamang ay dapat ayusin agad ang mga routes ng mga bus lalo na ang Metro Manila bus.

Sinabi rin ni Inton na mawawala ang magandang pagkakagawa ng PITX kung hindi agad mabibigyan ng sagot ang mga problema nito tulad ng hirap ng pagsakay na dinaranas ngayon ng mga commuter.

Ayon kay Inton darami pa ang mga pasahero sa mga darating na panahon kaya dapat ngayon pa lang ay maiayos na ito para sa Mega Manila in the future.