Home>News>Nation>PRRD order sa permanent evacuation hubs pinuri ni Go

PRRD order sa permanent evacuation hubs pinuri ni Go

Bong Go & Duterte

LUBOS na ikinagalak ni Sen. Bong Go ang kautusan ni Pangulong Duterte na magtayo ng mga permanenteng evacuation centers, partikular sa mga lugar sa bansa na madalas salantain ng kalamidad, lalo’t ito ang isinusulong niya sa Senado para maisabatas.

Ayon kay Go, binanggit ng Department of the Interior and Local Government ang kawalan ng nasabing estruktura na siyang kinakailangan sa panahon ngayon upang ligtas na maging tuluyan ng mga bakwit o vulnerable Filipinos sa oras ng mga natural na kalamidad.

It is high time that government consider … na we build strong structures, stronger than a typhoon, para mapuntahan ng mga tao,” ayon sa naging pahayag ng Pangulo sa kanyang Talk to the People Address.

Sinabi ni Duterte na nais niya na ang mga evacuation facilities ay kumpleto sa kagamitan sa pagsasabing, “Maybe small rooms with many comfort rooms where people can really stay for a while.

Sinusuportahan naman ito ni Sen. Go sa pagsasabing ito rin ang kanyang hinihiling at isinusulong sa pamamagitan ng inihain niyang panukalang batas sa Senate.

Ayon kay Go, hindi na ligtas na alternatibo na gawing tuluyan ng mga bakwit o relief shelter ang mga pampublikong paaralan sapagkat marami rin sa mga ito ang nalulubog sa baha kapag bagyo.

Kaisa po ako sa panawagan ng Pangulo na magkaroon ng permanent evacuation centers sa iba’t ibang parte ng bansa. Nakita naman po natin ang matinding pangangailangan natin sa mga istrukturang ito na magsisilbing panandaliang tahanan ng mga Pilipino sa tuwing may bagyo o anumang natural disasters,” paliwanang ni Go.

Huwag na nating antayin na may panibagong sakuna pang dumating. Umaksyon na tayo ngayon upang maprotektahan lalo ang buhay ng bawat Pilipino,” idinagdag ng senador.

Kaya naman muling umapela si Go sa mga kasamang mambabatas na tulungan siyang kagyat na maipasa ang inihaing panukala na Senate Bill No. 1228. Kapag naisabatas, obligado nang magtayo ang gobyerno ng evacuation center sa bawat lungsod, munisipalidad at probinsiya sa buong bansa.

Ang mga itatayong evacuations centers ay dapat maging kaaya-aya para sa mga concerned agencies na may kinalaman sa pagtugon sa sakuna upang makapagbigay ng agarang tulong sa mga lumikas. Dapat ding magkaroon ng mga protokol ng kalusugan at kaligtasan upang mapigilan ang pagkalat ng mga sakit lalo na sa nagpapatuloy na pandemya.

Dapat may komportableng higaan ang mga bata, hindi magkakasakit, may comfort room sila at may maayos na sanitation. Hindi lang dapat ito lugar na pansamantalang masisilungan, ito dapat ay lugar na mapoprotektahan sila, maaalagaan sila, at matutulungan silang makabangon muli,” ani Go.

Aniya ang konstruksyon at maintenance ng evacuation centers sa ilalim ng batas ay kukuhanin sa bahagi ng general appropriations ng Department of Public Works and Highways.

Magtatalaga rin aniya sa bawat evac centers ng mga health safety officer kasama ng local government units para magkaroon ng maayos na koordinasyon.

Kinausap ko din po si Health Secretary Francisco Duque nung pumunta kami sa Catanduanes dahil napansin ko po sa lahat ng ating evacuation centers, nagkakadikit ‘yung mga Pilipino. Hindi na po nasusunod ‘yung mga health protocols at social distancing. Kaya dapat merong health safety officer ang bawat evacuation center along with the local government units. Dapat maayos ‘yung coordination,” anang senador.

More than simply rebuilding, we should build back better. Kasi kung ibabalik lang natin ang nakagawian, mauulit rin lang ang problema kapag may panibagong kalamidad na darating,” idiniin pa niya.