Home>News>Nation>Pulis nabiktima ng Bukas Kotse!

Pulis nabiktima ng Bukas Kotse!

KAHIT opisyal ng Philippine National Police (PNP) ay hindi nakaligtas sa Bukas Kotse Gang sa Ilocos Sur.

Ang natural opisyal ay nabiktima ng nasabing sindikato bandang 9 p.m. noong Miyerkules sa Bgy. Bio, Tagudin, Ilocos Sur.

Ang biktima ay nakilalang si Police Chief Master Sergeant Jenifer Quinto Sison, 45, may asawa, naka-assign sa PHPT-Ilocos Sur at residente ng Balococ, Lingayen, Pangasinan.

Ayon sa isang report, ipinarada ng biktima ang kanyang Isuzu Hilander (PN: WKT 203) sa Ilalim ng puno ng madilim na bahagi ng highway malapit sa Tagudin border control.

Kinalaunan ay napansin ng biktima na basag ang bintana sa likod ng sasakyan.

Nawawala na rin ang sling bag ng biktima na naglalaman ng kanyang issued firearm a Norinco Cal .45 Pistol (SN: BAO4833), with inserted extended magazine and two extra magazine with 25 live ammunition.

Iniimbistigahan na ang kaso.

Publication Source :    People's Tonight