Home>News>Nation>PUVMP tuloy-tuloy sa kabila ng pandemya

PUVMP tuloy-tuloy sa kabila ng pandemya

TULOY-TULOY ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) sa kabila ng banta ng pandemic, ayon sa mga otoridad.

Ito ay matapos na tatlo pang transport cooperatives ang nagpasiyang magpasailalim sa PUVMP ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Boad (LTFRB)

Kabilang sa nabigyan ng provisional authority ng LTFRB Region II ay ang transport cooperative na VISCON para sa Class 3 MPUJs. Ito ay para sa rutang Solano-Aritao .

Sinundan ito ng Cordova Lapu-Lapu Metro Cebu Transport Cooperative na nag-ooperate ng 20 modern PUJs.

Binigyan ang CLMC ng provisional authority para sa rutang Cordova-Lapu-Lapu City-Mandaue City to Liloan, Cebu.

Pangatlong nabigyan ng provisional authority for Class 3 ang 997 Sandigan TSC na may modern UV Express units na biyaheng SM Fairview – Buendia Ave.

Ang naturang mga brand new units ay may Euro-4 engines, mga accessories katulad ng CCTV, dashcams, speed limiters, Automatic Fare Collection System at Wi-Fi, ayon sa (LTFRB).

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight