Home>News>Nation>‘Quinta’ lumakas, lalabas sa Miyerkules

‘Quinta’ lumakas, lalabas sa Miyerkules

LUMAKAS ng bahagya ang bagyong Quinta habang kumikilos pakanluran hilagang kanluran papunta sa Philippine sea, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Alas 10 ng umaga, ang sentro ng typhoon Quinta ay namataan ng PAGASA 660 kilometro ng silangan ng Catarman, Northern Samar o 730 kilometro ng silangan ng Juban, Sorsogon.

Ang bagyong Quinta ay patuloy ang pagkilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 30 kilometro bawat oras taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 70 kilometro bawat oras.

Bunga ito, nakataas ang signal number 1 ng bagyo sa Catanduanes.

Si Quinta ay kumikilos sa pangkalahatang direksiyon ng hilagang kanluran kahapon at babalik pakanluran ngayong linggo ng umaga hanggang Lunes.

Inaasahang magla-landfall si Quinta sa buong Bicol Region sa pagitan ngayong linggo ng gabi hanggang Lines ng umaga at pagkatapos ay kikilos ito pakanluran papunta ng Southern Luzon sa Lunes.

Ang bagyong Quinta at ang severe tropical storm na “Saudel” na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay nagdala ng katamtaman na minsay malakas na pag ulan sa buong MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Northern Mindanao, at Caraga.

Ngayong linggo ng umaga, si Quinta ay inaasahang nasa layong 320 kilometro ng silangan ng Virac, Catanduanes.

Sa Lunes ay nasa bisinidad na si Quinta ng Libmanan, Camarines Sur, sa Martes ay nasa layong 265 kilometro ng kanluran ng Ambulong, Batangas at sa Miyerkules ay inaasahang nasa labas na ito ng bansa.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight