Revilla: Rural areas palakasin

August 19, 2019

“PANAHON na para palakasin ang mga mahihirap na rehiyon sa ating bansa sa pamamagitan ng science and technology upang maitaas ang antas ng kanilang pamumuhay”

Ito ang pahayag ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. makaraang isumite nito ang Senate Bill 887 hinggil sa pagtataas ng posisyon ng Provincial Science and Technology Officer sa Provincial Science and Technology Director sa Department of Science and Technology.

Naniniwala si Revilla na ang promosyon ng provincial officer patungong director status ay magdadala ng karampatang resources and manpower sa regional science centers na siyang responsable para palakasin at matulungan ang lokal na komunidad sa pagbuo at pagpapanatiling livelihood.

Dahil sa patuloy na pagpondo para sa pagkalap ng kakayahan ng bansa sa larangan ng Science and Technology partikular sa kalalagda lang na Republic Act No. 11363 o ang Philippine Space Act, nais ni Revilla na maitodo ang momentum para mapaunlad ang provincial centers of science and technology.

Idinagdag pa ni Revilla na maraming rural regions na nangangailangan ng basic technology tulad ng kuryente, tubig, waste management , at access sa internet upang maibsan ang pagbabagal ng kanilang buhay sa araw-araw.