Home>News>Nation>Salceda: Naiibang diskarte kelangan sa bagong ekonomiya

Salceda: Naiibang diskarte kelangan sa bagong ekonomiya

IPINAPANUKALA ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, House Ways and Means Committee chairman, ang mga “bold economic policies” o naiibang mga diskarte sa pagharap sa bang ekonomiya pagkatapos ng pandemya, upang maiwasan ang tinatawag niyang “hugis-K na pagbangon” kung saan tiyak na susulong at uunlad ang mga mga nakapag-aral at nakaririwasa, samantalang ang mahihirap ang karaniwang mga manggagawa ay maiiwanan at mananatiling nakabaon sa kahirapan.

Sa isang ‘aide memoire’ na isinumite niya sa bagong pamunuan ng Kamara, ipinaliwanag ni Salceda ang isang bagong estratihiyang pinamagatan niya “New Deal for the New Economy” kung saan nakapaloob ang agrisibong mga tugon g batas na titiyak sa patas na pagbangon ng lahat pagkalipas ng pandemya.

Kung hindi tayo kikilos agad, malamang manatiling walang sapat na pinagkakakitaan ang 25% ng mga Pilipino tiyak na walang trabaho ang 8% sa kanila sa katapusan ng 2021,” ayon kay Salceda, na isang kilalang ekonomista at chairman ng ‘House’s Economic Stimulus and Recovery Cluster for the Defeat COVID-19 Committee.’

Magkakaroon ng seryuso at matinding mga ng implikasyon ang ganitong kalagayan sa pangkalusugan, panlipunang kaayusan at katiwasayan, katahimikan sa industriya, pulitika at pang-ekonomiyang katatagan. Nasa sitwasyon tayong mamatay o sumulong. Kailangang mabilis tayong kumilos para magamay abg bagong ekonomiya. Naging matindig pagsubok sa atin ang Covid-19 at kailangang maging matibay ang ating bansa sa matinding mga hamon nating kinakaharap,” paliwanag ni Salceda.

Nakita na natin ang mga naturang hamon. Marami ang napilitang sa bahay nila magtrabaho. Maraming karaniwang mga manggagawa ang nawalang ng trabaho at kabuhayan. Sa ilalim ng “New Deal for the New Economy,” kailangan ang mga kumprehensibong reporma sa enerhiya, impraestraktura, pamumuhunan sa mga lalawigan, matatag na pananalapi tungo sa “’A’ Credit Rating,” makabagong pambansang pamamahala kasama ang pagbura sa ‘red tape,’ ekonomiyang mabisang manindigan sa pagbabago ng klima, makabagong agrikultura, mahinusay na pamamahala sa gubiyernong lokal, maaasahang pangkalusugang programa ng pamahalaan, reporma sa edukasyon at pananalapi, at ‘digital economy competitiveness.’

Sa muling pagbukas ng sesyon ng Kongreso sa ika-16 ng Nobiyembre, sisikapin naming ipasa ang mahahalagang batas sa loob ng 100 araw, kasama ang mga 56 ‘bills’ na nakapaloob sa aking ‘aide memoire,’ lalo na nais ni Speaker Lord Allan Velasco na magtrabaho 24/7 ang Kamara,” dagdag ni Salceda.

Ayon sa mambabatas, binigyan diin ng Covid-19 na dapat maging sadyang mabisa ang sistema ng pambansang ekonomiya na ngayon ay ‘largely consumption-based’ na madaling mapilayan kapag humina ang tiwala ng mga mamimili. “Naniniwala ako sa dapat suportado ng apat na matitibay na haligi ang ating bansa—solidong pananalapi upang punduhan ang mabisang pamamahala, ekonomiyang mahusay na nakakatugon sa matitinding hamon, at mga panuntunang makatao at killing sa pagpapaunlad sa mga lalawigan,” paliwanag niya.

Tiniyak din ni Salceda na handi na babalik ang ekonomiya sa dating sistema nito at ang mga bansa ay magtatag din ng mga makabagong paraan sa pagtugon sa mga hamon sa hinaharap. “Ibayong hirap ang matamo natin kung hindi tayo mahusay na makakatugon sa hinaharap nating mga hamon,” patapos niyang sinabi.