Home>News>Nation>Salceda: Panukalang DDR kailangang agarang ipasa

Salceda: Panukalang DDR kailangang agarang ipasa

DAPAT magsilbing “upang ipasa ang panukalang Department of Disaster Resilience (DDR).wake-up call” sa Senado ang pagkamatay ng 24 katao sa pananalasa ni Super Typhoon Rolly

Ipinaalala ni Albay Rep. Joey Salceda, isa sa mga pangunahing awtor ng DDR, sa liderato ng Senado na kabilang ang DDR sa priority bills na binanggit ni Pangulong Rodrigo “Rody” Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) kaya naman agaran itong ipinasa sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara de Representantes sa ilalim ng pamumuno ni dating Speaker Alan Peter Cayetano.

Ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) nitong nakalipas na Nobyembre 3, umabot sa 24 ang death toll sa bagyong Rolly (mayroong internasyunal na pangalan na Goni) at pinakamalakas sa mundo ngayong taon, habang 26 ang sugatan at limang iba pa ang nawawala.

“Fortune favors the prepared. We cannot avoid typhoons and other calamities that come with our geography, but we can keep the risks low and the damage controlled. That is resilience: being able to achieve meaningful progress despite natural and external adversities The DDR will be the primary agency responsible, accountable, and liable for leading, managing, and organizing national efforts to prevent and reduce disaster risks; prepare for and respond to disasters; and recover, rehabilitate and build forward better after the destruction,” paliwanag ni Salceda, chairman ng House committee on ways and means.

“How much human sufferings do we have to endure before we pass the vital DDR Act?” Dagdag ni Salceda.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Duterte ang agarang pagpasa ng liderato ni Cayetano sa DDR upang mapalakas ng bansa ang laban nito sa mga kalamidad.

Tinutulan nina Sens. Panfilo “Ping” Lacson at Dick Gordon ang pagpasa ng DDR dahil sa kakapusan ng pondo at magiging karagdagang gastos lamang sa pamahalaan.

Ngunit, tiniyak ni Salceda na gumagawa ng paraan ang Kamara de Representantes sa pamamahitan ng kanyang komite upang makahanap ng mapagkukunan ng karagdagang pondo ang pamahalaan sa pamamagitan ng reporma sa pagbubuwis.

“If the problem is funding, it is the mandate of the government to look for the budget for the department,” ani Salceda.

“We can be efficient in funding the DDR. We can find the funds for the new agency. But, if the problem is funding, then let’s find the funding, and not deny the problem,” ayon kay Salceda.

Publication Source :    People's Tonight