Home>News>Nation>Sen. Go inayudahan fire victims sa Mandaluyong, QC, Cebu, Tagum City

Sen. Go inayudahan fire victims sa Mandaluyong, QC, Cebu, Tagum City

PATULOY si Senator Christopher “Bong” Go sa pamimigay ng ayuda sa mga nasusunugan sa gitna ng COVID-19 pandemic upang kahit na papaano ay maibangon sila sa masamang sinapit.

Umaabot sa 72 indibidwal na biktima ng sunog sa dalawang lungsod sa Metro Manila ang nabigyan ng tulong ng opisina ni Sen. Go.

Namahagi ang office staff ni Go ng food packs, masks, cash assistance, alcohol, mga gamot, bisikleta at backriding barriers sa motorsiklo sa 40 nasunugan sa Brgy. Malamig, Mandaluyong City sa ilalim ng estriktong health protocols.

Kasunod nito’y nagbigay din ng iba’t ibang tulog ang opisina ni Sen. Go sa may 32 fire victims sa Barangay West Fairview, Quezon City nitong September 3.

“May dala akong mga masks diyan, mayroon din akong dalang mga grocery items para sa inyo at konting financial assistance lang po, alcohol,” ani Go sa pamamagitan ng video call.

“Mayroon din akong dalang bisikleta na ipamimigay sa inyo. Nakakalungkot, gusto kong pumunta diyan sa inyo. Kaya lang po, maraming bawal ngayong panahon na ito. Bawi na lang po ako,” dagdag niya.

Nabigay din ng financial assistance sa fire victims sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program ang DSWD.

Nagsagawa naman ang Department of Trade and Industry ng assessment at validation para sa mga benepisyaryo ng livelihood program.

Namahagi rin ang National Housing Authority housing materials sa pamamagitan ng kanilang Emergency Housing Assistance Program.

Maging ang Presidential Commission for the Urban Poor ay tumulong sa pamimigay ng mga gamot at bitamina.

Sinabi ni Senator Go na isinusulong niya ang estriktong pagpapatupad ng polisiya para sa mandatoryong pagsusuot ng face masks sa publiko para malabanan ang pagkalat ng COVID-19 kaya nanawagan siya sa publiko na palagiang magsuot nito.

Samantala, may 80 biktima naman ng sunog sa Brgys. Inayawan, Duljo Fatima, Pardo at Carreta sa Cebu City ang nakatanggap ng cash assistance, food packs, masks, at mga bitamina mula kay Sen. Go.

May 123 pang benepisyaryo mula sa Brgys. Tejero at San Roque, Cebu City ang nakatanggap din ng mga nasabing biyaya mula sa opisina ng senador.

Tinulungan din niya ang mga biktima ng nangyaring sunog sa Tagum City, Davao del Norte noong nakaraang Agosto.

Ayon sa senador, hindi siya tumitigil sa paggiit na maisabatas ang magpapalakas sa mga komunidad sa oras na magkaroon ng mga sunog, sakuna at mga kalamidad
“Ako po mismo ay saksi sa hinagpis na nararamdaman ng ating mga kababayan na biktima ng mga sunog. Buwan-buwan, bago ang pandemya, ilang insidente ng sunog ang aking binibisita sa iba’t ibang panig ng bansa upang makapagbigay ng tulong sa mga kababayan nating nabiktima nito,” ani Go.

“Saving lives is an honorable task but in order to efficiently serve the nation and protect Filipinos, we need to improve our services and capabilities. The [Bureau of Fire Protection] is tasked to respond to such incidents and catastrophes, and with the health crisis we are facing today, we need to further strengthen the BFP,” sabi ng mambabatas.