Home>News>Nation>Service contracting program reg dinagsa

Service contracting program reg dinagsa

UMABOT sa 1,520 traditional public utility jeepney drivers ang dumagsa sa unang araw ng general registration para sa Service Contracting Program na isinagawa sa Quezon City Memorial Circle basketball covered court kahapon, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Mga driver ng mga Public Utility Vehicle na pumapasada sa mga binuksan nang ruta ang mga nagpalista.

Ang Service Contracting Program ay naglalayong bigyan ng karagdagang kita ang mga PUV drivers na nawalan ng kita dahil sa pandemya.

Sa ilalim ng programa, magbibigay ang gobyerno ng performance-based subsidy sa mga driver na nakabase sa kilometro ng kanilang mga biyahe.

Lahat ng mga nakapagparehistro ay isinailalim sa orientation na pinangunahan ng LTFRB at systems manager.

Tinulungan din silang makapag-register sa smartphone app na makatutulong sa kanilang pagpasada sa ilalim ng Service Contracting Program.

Ang General Registration sa Service Contracting Program ay tatagal hanggang Linggo, November 29 mula 8 a.m. hanggang 5 p.m.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight