Home>News>Nation>Vico payag sa 2 pasahero, back rider sa tricycle

Vico payag sa 2 pasahero, back rider sa tricycle

Vico Sotto
Si Pasig City Rep. Roman Romulo, Nefe Castillo (head, Pasig News Today),Pasig City Mayor Vico Sotto sa inauguration ng kanilang studio Sabado ng umaga sa Pasig City.

PAYAG si Pasig Mayor Vico Sotto maibalik na sa regular passenger ang operation ng mga tricycle.

Sa launching ng Pasig News Today Studio kahapon ng umaga kung saan guest of honor din si Congressman Roman Romulo, sinabi ni Mayor Vico na handang sumuporta ang Pasig government kung payagan na ng Inter-Agency Task Force

(IATF) ang dalawang pasahero sa tricycle.

Maganda ito kung maibalik na sa dalawang pasahero at back rider ang sakay ng tricycle, kapwa makikinabang ang driver at pasahero dahil maayos na ang kita ng mga TODA at maibabalik rin ang regular fare sa tricycle,” ani Mayor Vico.

Ayon pa kay Mayor Vico, kasama nya si Cong. Romulo at ginagawa ng Pasig government ang lahat ng paraan upang matulungan ang kanilang mga kababayan kasama ang transportation sector lalo na ang mga TODA.

Matatandaang hiniling na rin ng TODA Quezon City at TODA Manila-1 na ibalik na ang dalawang asahero at back rider upang maayos na ang kita ng mga driver at maibalik na rin sa regular fare ang pamasahe sa tricycles.

Sabay ding pinasalamatan ni Mayor Vico at Romulo ang mga taong nasa likod ng Pasig News Today sa pangunguna ni Nefe Castillo sa accuracy ng mga balita na ginagawa nito sa kapakinabangan ng publiko lalo na sa mga mamamayan ng Pasig City.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight