Home>News>Nation>Slapshock ‘frontman’ natagpuang patay

Slapshock ‘frontman’ natagpuang patay

Jamir Garcia
Jamir Garcia NATAGPUANG wala ng buhay ang sinasabing frontman ng bandang Slapshock sa loob ng kaniyang tirahan sa Quezon City Huwebes ng umaga.

Naitakbo pa umano sa Metro North Medical Center and Hospital ang biktimang si Vladimir Garcia, o mas kilala sa pangalang Jamir Garcia, ng grupong Slapshock, 43, ngunit idineklara itong dead on arrival.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (QCPD-CIDU) nadiskubre ang insidente bandang 9:20 a.m., Nobyembre 26, 2020 sa bahay  ng biktima sa Barangay Sangandaan, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PSSg Bienvenido Ribaya III, isang kamag anak ni Garcia ang nakadiskubre sa kanyang katawan na may nakapulupot na kumot at nakatali sa bakal sa bintana ng isang silid sa kaniyang tahanan.

Agad na tinanggal sa pagkakatali ang katawan ng biktima at sinugod sa nasabing ospital.

Ayon sa pulisya ay pumirma ng isang waiver ang kamag-anak ni Garcia na humihiling na huwag ng imbestigahan ang kaso at kumbinsido sila na nagpakamatay ang biktima.

Nabuo ang bandang Slapshock taong 1997 at naging tanyag dahil sa mga kantang heavy metal.

Publication Source :    People's Tonight