Home>News>Nation>Solon seeks stop to Kaliwa Dam project

Solon seeks stop to Kaliwa Dam project

BAYAN Muna Rep. Eufemia Cullamat is seeking to stop Kaliwa Dam construction and all large-scale destructive mining operations amid the onslaught of typhoons in the country.

Sa loob ng dalawang buwan, nanalasa sa ating bansa ang tatlong bagyo na nag-iwan ng mga malalaking pinsala sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan ng ating bansa na nagdulot ng matinding pagbaha, landslide, pagkuha ng buhay ng ating pamilya, pagkawasak sa agrikultura at mga kabahayan at iba pang mga pinsala nito. Ang trahedya na nagdulot o ugat nitong matinding pagbaha at landslide ay ang nagpapatuloy pa rin na mga proyektong nakakasira sa ating kalikasan, katulad ng malalaking pagmimina na nagkakalbo sa mga kabundukan at kagubatan, at ang mga dambuhalang dam na nagpapakawala ng napakaraming tubig na naglulubog sa maraming bayan,” the Lumad solon lamented on a Facebook post.

Cullamat said the Kaliwa Dam project and other large-scale destructive mining operations should be stopped as they might bring harm instead of progress.

Kaya dapat nang ihinto ang mga mapanirang proyekting ito. Hindi kaunlaran, kundi panganib ang idudulot nito sa taumbayan. Tumatambad na lamang sa atin ang mga delubyong dulot ng mga mapaminsalang proyektong ito pag tumama na sa atin ang kalamidad. Hindi solusyon ang mega dam, tulad ng Kaliwa Dam sa kahirapan ng pagkukunan ng tubig,” said Cullamat.

She stressed that the Lumads would be gravely affected by the projects.

Sa simula pa lamang ng proyekto ay kahirapan na ang dulot nito sa mga katutubo. Ang pagpigil ng pagdaloy ng tubig sa ilog ay makakadulot lamang ng pagkawala ng kabuhayan ng mga Dumagat. Ang pagkamkam ng kabundukan ay magsisilbi lamang sa interes ng mga dayuhan, at malalaking kumpanya,” the solon added.

Cullamat calls to prioritize people’s welfare amid the pandemic and disaster. She asserted the continuing need for immediate relief and reconstruction of destroyed houses of thousands of families.

Bilang isang Lumad at dumedepensa ng kalikasan, muli akong nananawagan sa taong bayan na magkaisa sa pagpapatigil ng mga nakakasirang proyekto. Bagkus, itong bilyon-bilyong pondo sa mga nakakasirang proyekto ay dapat ilaan na lang sa mas nangangailangan ngayon ng tulong na mga biktima ng nasalanta ng bagyong Quinta, Rolly at Ulysses,” said Cullamat.

Typhoon Ulysses has so far left over P2 billion in agricultural damage, the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) said.

The damage to crops and other agricultural products, which had been estimated to be P2.14 billion so far, was inflicted on the regions of Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Bicol and Cordillera.