Sundalo ninakawan sa loob ng PMA

August 12, 2019

BAGUIO City — Isang sundalo ang nabiktima ng pagnanakaw sa kanyang kuwarto sa EP Quarters Phase II sa Fort Del Pilar, Philippine Miltary Academy (PMA) na nangyari sa pagitan ng alas-8 a.m. noong Biyernes hanggang alas-12:00  ng tanghali ng Sabado.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Baguio City Police Office (BCPO) Station 4 at kinilala ang biktimang si Sgt. Dalla P. Palitayan ng Philippine Army.

Natangay ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang kanyang service firearm na 9mm Glock 17 na tatlong magazine na walang bala magazine kasama ang isang box na naglalaman ng 40 na bala at 28 na basyo, isang kuwintas (P21,500), isang hikaw (P4,000),  dalawang silver na hikaw (1,000),at mga barya.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, ang sinira ng suspek ang main door ng kuwarto at doon pumasok at lumabas tangay ang mga nasabing gamit.