Home>News>Nation>Taal Volcano nag-aalboroto Pre-emptive evacuation nagsimula

Taal Volcano nag-aalboroto Pre-emptive evacuation nagsimula

Taal Volcano
PNA file photo

NAPAPADALAS ang pag-aalboroto ng Bulkang Taal, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa monitoring ng Phivolcs,nakapagtala ang bulkan ng 98 tremor episodes sa loob ng lima hanggang 12 minuto sa nakalipas na 24 oras.

May napansin ding paglabas ng abo mula sa main crater ng bulkan na may limang metro ang taas.

Tumaas din ang temperatura sa main crater lake ng may 77.1°C at pH na 1.59 at patuloy na mahinang ground deformation parameters sa palibot ng Main Crater.

Nasa abnormal na kundisyon ang Taal Volcano o nasa alert level 1 na nangangahulugan ang pagkakaroon ng phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at lethal accumulations o expulsions ng volcanic gas sa paligid ng Taal Volcano Island (TVI), ayon sa (Phivolcs).

Nirerekomenda ng DOST-PHIVOLCS na patuloy na huwag papasok sa Taal Volcano Island- Taal’s Permanent Danger Zone ( PDZ) laluna sa bisinidad ng Main Crater at sa Daang Kastila fissure.

Nagbabala na rin ang Phivolcs sa mga LGU sa paligid ng bulkan na patuloy na ma assess ang mga evacuated barangays sa may Taal Lake at maging alerto lagi at open ang communications para maiwasan ang masamang epekto oras sumabog ang bulkan.

Pinag iingat din ang mga residente at pinayuhan din huwag maglagi sa Taal Volcano island dahil sa posibleng ground displacement , ashfall, at minor earthquakes.

Pinatutupad ngayon ang no fly zone sa area para maiwasan ang anumang sa kung sa himpapawid.

Pinatupad na rin ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ( PDRRMC) ang forced evucuation ng mga nananinirahan sa paligid ng bulkan.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) media liaison officer Easha Mariano, nakareceive na sila ng information ukol sa ongoing evacuation ng mga residente mula sa dalawang sitio sa Talisay City.

Yes, we received initial info na on-going ang evacuation sa mga residenteng na nasa Taal volcano mismo na dapat No Man’s land kaya kailangan sila palikasin,” ani Mariano.

Kinlaro ng NDRRMC ang evacuation ay partre ng precautionary measure dahil sa pag-aalboroto ng bulkan.

Pinapayuhan pa rin po ang publiko na ibayong pag-iingat at maging alerto, handa sa lahat ng oras. Ipagdasal po natin na sana ay huwag ng lumala pa ang sitwasyon at kalagayan ng ating mahal na Bulkang Taal,” ayon sa Facebook post ng Agoncillo MDRRMO.

Sinabi ni Philippine Coast Guard spokesperson Commander Armand Balilo na ilang personnel ng Coast Guard Batangas, Talisay Police, at MDRRMO ang pumunta na sa luar ng bulkan upang siguruhin ang kaligtasan ng mga residente.

Upon signal from the Municipal Administrator of Talisay, Batangas joint elements of PNP Talisay, MDRRMO and personnel of Coast Guard Batangas onboard five PCG water assets,” ani Balilo.

Dagdag nj Balilo na magsasagawa ng said aerial inspection at advisory, inspection, at pagsundo ng mga residente sa Taal Volcano Island.

Ground deformation parameters from continuous electronic tilt on Volcano Island record a slight deflation around the Main Crater since October 2020 but overall, very slow and steady inflation of the Taal region has been recorded by continuous GPS data after the eruption,” ayon sa PHIVOLCS.

Tinatarget ng makapag-evacuate ng 63 pamilya o 200 individuals mula sa Sitio Tabla at Sitio San Pedro sa Talisay. By.ZAIDA DELOS REYES

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight