Home>News>Nation>Traffic rerouting ng QC, MMDA sinuportahan

Traffic rerouting ng QC, MMDA sinuportahan

NAGPAHAYAG ng 100% support ang commuter at transport groups sa ginagawang traffic re-routing o zipper lane ng Quezon City government at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para mapaluwag ang traffic sa Commonwealth Avenue.

Sa interview sinabi ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), ang strecth ng Commmonwealth Avenue ang susunod na sa EDSA kung traffic ang pag-uusapan.

Very timely ang ginagawang alternative traffic program ng QCLG at MMDA lalo na nga bukas (January 4, 2021) ay back to normal ang biyahe ng mga motorists.

Ayon kay Inton, dating City Councilor ng QC at Board Member ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), noon pa man ay nagmungkahi nasiya na bigyan ng priority ang traffic program sa Commonwealth dahil volume ng dumaraan na mga sasakyan dito.

Ayon pa ni Into, araw-araw, ang 12.4 kilometer-Commonwealth Avenue mula Elliptical Road hanggang Quirino Avenue sa Queaon Cityy at ang widest avenue sa bansa na may 6 to 18 lanes, ay entry at exit hub ng mga motorists galing Bulacan, Rodriguez at San Mateo, Rizal.

Sa kahabaan ng Commonwealth matatagpuan ang pinaka-populated na mga barangay ng Quezon City tulad ng Batasan, Barangays Commonwealth, Holy Spirit, Matandang Balara, at ang major roads papunta sa Culiat, Novaliches proper, Payatas, Bagong Silangan, Old Capitol Site, UP Campus, at marami pang iba, saad pa ni Inton.

Sa ngayon ay lalong tumindi ang traffic dahil sa construction ng MRT. Mapapansin din ang pagka-imbudo ng kalsada pagdating na sa bandang lampas ng Doña Carmen kung saan ilang lanes na lang ang Commonwealth Avenue kaya mas matindi ang traffic papunta at galing sa Fairview, ani Inton.

Napakalaking hamon ang pagpapaluwag ng traffic sa Commonwealth at suportado ng LCSP ang anumang mga hakbang ng MMDA at ng QC government para mapaginhawa ang karanasan ng ating mga motorista sa mga kalsadang nabanggit, higit na sa Commonwealth Avenue.

Bukas din ay ipatutupad na ng QCLU at MMDA ang alternative routes para mapaluwag ang traffic at remedyuhan ang reklamo ng mga motorists na dumaraan araw-araw sa Commonwealth Avenue.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight